ICC hearing kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, target ipagpaliban ng kaniyang kampo, ayon kay Harry Roque
PANOORIN: Sa panayam kay Harry Roque, ipinaalam niya na nais nilang ipagpaliban ang nakatakdang initial hearing kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay gaganapin ngayong 2:00 p.m. (The Hague time) / 9:00 p.m. (PH time) sa ICC.
Ayon kay Roque na dating presidential spokesperson ni Duterte, ilalatag sa pagdinig ang mga kaso laban sa dating Pangulo at sisiguraduhing nauunawaan niya ang mga ito pati na rin ang kaniyang mga karapatan.
Dagdag pa ni Roque, naghain siya ng dokumento sa ICC upang maging bahagi siya ng legal counsel ni Duterte. Sa ngayon, tanging si Atty. Medialdea pa lamang ang na-recognize bilang abogado ng dating Pangulo.
Video from Jay-Vee Pangan/GMA Integrated News Stringer